Powered By Blogger

Tuesday, February 22, 2011

Ang Talambuhay ni Crislan P.Marcellana


Noong ako ay 15 years old
  Ako po ay si Crislan  P. Marcellana  na maglalahad ng aking talambuhay.Mula noong akoy pinagbubuntis pa lamang ng aking ina.At ngayon ipapakilala ko po muna ang aking mga magulang.Sila po ay crisensio P. Marcellana at si honey P. Marcellana.S sina angayon po ay nakatira po ako sa Barangay San Gregorio San Pablo City.At ito na po ang passisimula ng aking talambuhay.

           Noong akoy nasa sinapupunan pa lamang ng aking ina.Ang hilig pa daw nyang kainin noon ay mangga.Gustong gusto daw nya itong miryenda sa hapon at ipang ulam sa hapon.Nag aalala na si papa baka daw kasi makasama kay mama ang sobrang pagkain nito.Pagka umaga  nagising si papa nakita nya na wala si mama sa tabi nya.Makailang minuto ay nakita nya sa labas na si mama ay nabili ng almusal at may dala na naman itong mangga.Hindi nalang ito pinansin ni papa.Makailang araw ay nanakit ang tiyan ni mama.Siguro ay ito na ang araw ng kanyang kabuwanan.Ngunit sabi ng taga obserba sa kanya ay ito daw ay ang  sobrang pagkain ng mangga.Gumaan ang loob ni papa dahil akala nya ito na ang pag anak ni mama.Siyam na buwan na ang tiyan ni mama at kabuwanan na nya ito.Mga alastres ng madaling araw ay nanganak na ang aking ina.Nagsilang sya ng babae at ang agad na naisip nilang ipangalan saakin ay crislan.Dahil ang gusto nila ay mapagsama ang kanilang pangalan at naisip din nilang  bigyan ako ng palayaw at ito ay lan lan.At ang araw ng aking   pagsilang ay Enero 29, 1994.Doon nagsimula ang aking pagsinag sa mundong ito.

Noong ako ay bininyagan
         Lumipas ang ilang buwan ay pinabinyagan na nila ako sa malaking simbahan.halos pila daw noon ang  batang binyagan.Dito nagsimula ang unang bindisyon ng panginoon saakin.At sa mahabang misa ay natapos ito ng mahigit limang  oras .Si papa at mama ay hapong hapo noon  dahil sa sobrang init ng panahon.At  pagkatapos ng binyagan ay   agad na nagkuhanan ng litrato at masasayang mukha ang makikita dito.At pag dating naman ng tanghalian ay sabay sabay na kaming kumain.


               At nang akoy anim na taong gulang na nagsimula na akong mag aral sa St.Francis Day Care Center.Doon ako nag aral ng day care.Doon ako natuto mag sulat  at magbasa at uti uting mamulat ang akingisipan.Gumawa kmi ng mga proyekto at takdang aralin. Doon nakita ko na matataas ang aking marka at natutuwa ang magulang ko sa tuwing makikita ang aking marka.Dumating ang pitong buwan ay ito na raw ang unang pagtatapos ko at ako daw ay makakatung tong na sa paunang pang elementarya.Dahil sa pagsusumikap ko ay dumating na ang araw na aming pagdalo sa pagtatapos ng kinder.Nang akoy tumuntong nasa paunang  grado nang elementarya.Dito na ko laging hatid sundo ni papa.Hinahatid nya ko pagpasok at pinapakain nya naman ako pag dating ng tanghali.Madalas ding dinadalhan ako  ni mama ng miryenda sa hapon.At dito nagkaroon narin ako ng maraming kaibigan.Dito ko na  nakilala si gissele sya ay ang matalik kong kaibigan noong akoy bata pa.Sabay kami laging nakain at  naglalaro minsan sa likod ng bahay nila.Lagi kaming masaya pag magkasama kami.Lagi kaming nag aaral sa kanila at nakain ng masasara p na miryenda,inumin,tinapay,at iba pa.Pag dating ng hapon ay kinaon na ako ni papa at papauwi na kami noon.


Nang kasama ko ang aking kapatid
Noong ako ay 2months palang
                 Noong pitong taon na ako.Nagkaroon ng okasyon.Ito ay kaarawan ko nakita ko na madaming lobo at pagkain ang nakahain dito.Madaming bisita ang nag sipagdalo.Masarap ang ang inihain ni mama at maraming bata ang nasiyahan dito.Pagsapit ng miryenda ay inilabas na ang cake na binili ni mama para sa akin.Bago kumain ay nagdasal muna kami ng sabay sabay. 




                  Umabot ako nang edad na walo ay namatay ang aking ama sa trahedya na sya ay nasaksak.Di namin inaasahan na mangyayari ang ganitong trahedya.Halos di namin maintindihan ang gagawin namin.Sinubukan namin na dalhin si papa sa hospital ngunit wala nang magagawa ang doktor dahil patay na si papa nang makaabot.Di na nya siguro kinaya ang troma dahil sa sobrang dami ng kanyang saksak.Naghihinapis kami ng araw na iyon at di namin mapigilan na humagulgol.Di man namin gusto pero wala na kami magagawa dahil nangyari na.

Mga barkada ko
                   Nakaburol si papa sa bahay ni lola dahil doon ang gusto nya pag sya daw ay nawala hindi pa namin tanggap noon na wala na   sya.Lahat kami ay hin di makakain ng ayos noon.Makailang araw ay dumating narin yong  ilang kamag anak namin.Mga pinsan ko,mga  tiyuhin ko,mga kaibigan ni papa.Ilang araw din akong liban sa klase noon,mga isang buwan pa noon bago ako makapasok.Madaming nagulat sa nangyari at di sila makapaniwala noon.Sabi ng iba kailangan na naming tanggapin ang nangyari.Lumipas ang isang taon na  wala na si papa,naalala ko parin ang mga araw na nandito sya tuwing kaarawan ko.At laging pinapasaya ako pag sa araw na nalulungkot ako.At lagi ko nang  binabalik ang araw na nandito sya,nagiging masaya ako pag naaalala ko.sumasapit ang gabi nanaiiyak ako at nangangamba na babalik pa ang aking ama.

                 At ng akoy nasa unang sekondarya pa lamang ay nag iba ang pananaw ko sa buhay.Dito ko natutunan na maging matatag at matang sa lahat ng oras dahil alam ko na wala nang magtatanggol sa buhay  ko tulad ng aking nakasanayan ng nandiyan pa si papa.Naisip ko na bawat araw na dumadating ay nararapat ko ng patibayin ang loob ko.Dito   ko rin naramdaman ang pag ibig sa unang minamahal ko na si chad.Siya ang unang lalaki na nagustuhan ko nung akoy nasa ikalawang sekondarya na.Lagi kaming nagkikita  sa amin sa pag  uwi.Naalala ko pa nga noon na binigyan ko siya ng sulat noong unang buwan na namin.Ang saya saya ko noon at  buo lagi ang araw ko.Ngunit nang umabot na kami sa tatlong buwan ay nakipaghiwalay na siya sa akin.At ang ginawa niya lang na dahilan ay kailangan daw nya munang mag aral nang mabuti at agad ko naman na ininntindi sya.Pagdating naman ng gabi ay umiyak ako.Nang tumuntong ako sa ikatlong sekondarya ay doon lalo nag linaw ang aking isipan nagkaroon ako ng suliranin sa buhay na kailangan ko munang huminto ng ilang araw dahil sa kakulangan namin sa pera. Natuto  akong maghanapbuhay at kumita ng pera para sa aking pag aaral.Doon ko nalang naramdamman ang hirap sa buhay nang mawalan ng mahal sa buhay na ang tatay ko ang laging andiyan  para sa akin.At handa na ako sa kahit anong karanasan na dadating sa akin lalo na ngayo na ako ay malaoit na sa pagtatapos sa ikatlong sekondarya.Sabi sa akin ni mama ng kiniumagahan ay matuto na daw akong maglaba dahil baka hindi na daw naya kayanin ang sobrang pagtatrabaho at don ko sinubok ang aking sarili.

Noong j.s namin
                 Pag uwi sa hapon ay nakakita ako na isang matandanng babae na nanghihingi nang pera ngunit hindi ko ito binigyan.Sa pagkat alam ko na kaya pa nitong magtrabaho.At nang pag uwi sa hapon at akoy nag aaral na dahil kinabukasan ay may  pagsusulit kaming gn.At pag dating sa gabi ay nakain na kmi,sa pagtulog naman ay nagdadasal
unu ako.

No comments:

Post a Comment