Noong bata pa ako |
Halos mag-iisang taong gulang ako bininyagan sa San Pablo Cathedral ng aking mga magulang, kasabay ko pa noon ang aking pinsan na si keancarlo. Marami pa nga nag ninong at ninang sa aking binyag eh!! Sabi pa nga sa akin ng nanay ko nun ay parang birthday daw namin ng pinsan ko noong araw na yon. Madaming pagkain, mga bisita halos lahat ng tao sa amin noon ay masaya para sa amin.
Naalala ko yun kinuwento sa akin ni nanay noong una daw akong gumapang, isang taong gulang na ako noon, pero mukhang hindi naman daw ako gumagapang noon kasi sa halip na ganoon ang mangyari ay paalipod lang daw ang ginawa ko. Inilahad din sa akin ni nanay ang pagiging sobrang kulit ko at napakadaldal e bulol naman daw ako nung mga panahong iyon.tatlo kaming magkakapatid, pare-parehas na bata pa at malaya, kaya naman si nanay ay sobra ang pagpapasensya sa aming kakulitan. Sa pagdaan ng panahon, nakikilala ko na ang mga taong nasa paligid ko, si tatay na nagdadala lagi sa akin ng pasalubong, si nanay na laging nag-aalaga sa akin, si kuya na saksakan ng sutil sa akin madalas ko nga yun kaaway tapos ang hilig pa akong paiyakin at syempre mawawala ba naman si ate na laging nagbabantay sa akin at kalaro ko rin sa araw-araw..
Kinder ako |
![]() |
Ako noong J.S |
Isa na naman panibagong hamon ang dumating sa buhay ko. Ang pag tuntong ko sa elementarya. Pumasok ako ng elementarya sa Sta. Filomena, Elemtary. School. Ganun pa rin naman, panibagong mga makikilala ulit. Doon rin ako nagkaroon ng mga matatalik na kaibigan. Doon ko rin naranasan sumali sa mga activities sa school kasama mga kaklase ko. Hanggang sa nalagpasan ko ang mga pagsubok at nakaabot ako ng Grade 6. Naalala ko nung mga panahong iyon na pinaiiyak ako minsan ng mga kaklase kong lalaki, na minsan nakikipag-away ako sa mga kapwa kong kaklaseng babae,parinigan pa nga kami noon e! tapos pag nagkapikunan ay hindi na nagpapansinan. Ngayon na naalala ko yung mga bagay na iyon ay masasabi ko na napakababaw ko pa noon, halos matawa nalang ako sa mga pinag gagawa ko. Minsan talaga sa buhay kailangan mo rin maging mapag pasensya at mas pag tuunan ng pansin ang mga mahahalagang bagay. Naging isang malaking aral para sa akin iyon.
Kailangan ko magtiis at mag-aral ng mabuti.Naisip ko rin kung gaano kahalaga ang pag-aaral. Hanggang sa dumating ang pinakahihintay naming lahat na magkakaklase, ang aming graduation. Masaya kasi kahit papaano ay natapos ko rin sa wakas ang elementarya at masasabi ko na may karangalan din akong maipapakita sa aking mga magulang, syempre may halong lungkot kasi magkakahiwa-hiwalay na kaming lahat. Sa loob ng anim na taong pagsasama sa iisang paaralan, pero bahagi iyon ng kwento ng aking buhay..
Dumating ang bakasyon, halos wala na akong ginawa kundi magpahinga at maghanda para sa darating na pasukan para sa sekondaraya. My halong kaba at saya ang nadarama ko, panibagong yugto ulit ng aking buhay. Pero sa pagdaan ng araw ay parang naging mahirap para sa akin ang lahat. Iyon na siguro ang unang beses na malalayo ako sa aking mga magulang. Kailangan ko makipagsapalaran sa Maynila upang doon ko ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Salamat na rin sa mahal kong tiyuhin dahil tinulungan niya akong makapag-aral. Sa Marikina ako tumuloy, sa bahay ng tiyo at tiya ko kasama ang kanilang mga anak. Dahil sa pagtanggap nila sa akin, doon ko natutunan ang pagkakaroon ng utang -na-loob at pagpapahalaga sa nagawa nila. Doon ko rin nalaman kung gaano kahalaga ng pamilya, minsan pag kailangan ko sila ay wala sila. Mahirap rin para sa akin ang sitwasyon ko doon. Hindi rin maiwasan ang hindi mapagalitan kaya pag ako ay nag-iisa, dinadaan ko nalang sa iyak ang lahat. Nagiging masaya rin naman ako pag nasa paaralan, pumasok ako ng first year at second year highschool sa Silangan National Highschool sa San Mateo Rizal. nagkaroon ulit ako ng mga bagong kaibigan, kwento rito, tawanan diyan, halos walang araw na hindi ako tatawa, doon rin ako nagkaroon ng 1st boyfriend, syempre hindi naman mawawala yun sa buhay ng kabataan. Natutunan ko rin masaktan at magkaroon ng panibagong pag-asa. Halos dalawang taon akong namalagi sa mga tiyuhin ko, pero hindi nagtagal umuwi na rin ako.
![]() |
Kaming Magbabarkada |
![]() |
Kaming Dalawa ng BestFriend ko |
Masyado na akong maraming naibahagi... sana sa susunod na yugto ulit ng buhay ko mas lalong maging masaya, yun lang!!! SALAMAT! :D
No comments:
Post a Comment