Powered By Blogger

Tuesday, March 8, 2011

Ang Talambuhay ni Cristian Culla

Ako si Cristian M. Culla na labing siyam na gulang na ngayon ipinanganak ako noong july 3, 1991 at bininyagan ako sa gulang na isang taon july 5, 1992. wala akong atatandaan na nangyari sa buhay ko noong ako ay isang taon hanggang apat na taong gulang pa lamang pero may nalaman ako na mga pangyayari sa buhay ko sa pamamagitan ng kwento sa akin ng aking mga kapatid at aking mga magulan.






Noong ako daw ay tatlong taong gulang pa lamang ay madalas daw akong pagkatuwaan dahil sa pagihi ko na kahit tulog ay umaabot sa ulo ko ang aking ihi sobrang natuwa din ako ng malaman ko iyon.at mahilig daw akong ibiling mga laruanng aking Ina paburito ko daw na laruan ay ahas na dibuttery sa mga laruan daw na binili ng aking Ina ay ito ang lagi kong nilalaro at isang araw daw ay habang nilalaro ko ito ay habang nilalaro ko ito ay tumalsik ito sa ilalim ng kama at sinundan ko ito at paglabas ko ay dala ko na ulit ito at ang hindi ko daw alam na hindi rin nila alam ay tunay na  ahas na pala ang dala ko ahas tulog kung tawagin wala silang malay na tunay na pala iyon dahil kakulay at magkasing laki naman ang laruan  ko at ang ahas na nadampot ko sa ilalim ng kama nakita na lamang daw ng ate ko na gumagalaw at napulupot sa kamay ko ang aking laruan kaya nagmadali ang kuya ko na alisin alisin sa akin at patayin ang ahas.






Tawang tawa ako noong ikiniwento sa akin iyon naisip ko na madami na pala akong kalukohan kahit noong nagapang pa lamang ako at nang tumuntong na ako ng apat na taon hanggang anim ay nasa lola ko ako mabait sa akin ang lola ko dahil ako ang paburito niyang apo sa aming lahat sa lola ko ako nagkaisip at siya ang nagturo sa akin ng tama at mali at doon sa lola ko ay may naging kababata ako na babae lagi kaming magkalaro araw-araw at noong panahon na iyon ay kakulitan ko pa noon.




At minsan kami ay naglalaro sa tabi ng ilog at nakita kami ng lola ko kami ay tinakot na may nangunguha daw ng mga bata doon sa ilog dahil doon ay hindi na kami naglaro at umuwi na kami at dahil ako ay pasaway noon niyaya ko ulit ang aking  kalaro doon sa ilog malapit lng naman  kasi likod lang ng bahay ni lola at nang kami ay nakaupo na sa tabi ng ilog ay itinulak ko ang aking kalaro sabay takbo doon ko nalaman na walang nangunguha ng bata doon iyak na iyak ang kalaro ko at galit na galit sa akin ngunit pinagsorry ako ni lola sa at ng ako ay magpipitong taon na ay isinauli na ako ni lola sa aking mga magulang dahil ako ay papasok na at dumating na nga ang araw na ako ay papasok na sa grade one agad ako dahil noon ay masaipad at may alam naman ako mag-aral grade one pa nga lang ay naging pasaway na agad ako saschool pero ayus naman ang grade ko sa school panaglawang araw pa lamang ng pasukan ay napatawag na agad ang magulang ko dahil nakapagpaiyak na agad ako ng kaklase wala kaming teacher noon nagsasayawan sa lamesa ang mga kaklase ko at ako naman ay kumakain at ng sumayaw ang kaklase kong lalake ay hinubuan ko ito at nahulog pa sa lameasa iyak na iyak habang ako naman ay napatakbo sa labas ng room namen at pagdating ng teacher namen ay ako ay naparusahan pitpit ng stick sa kamay at pinatayo ako ng naka brift lang sa unahan ng klase hanggang tanghale at paglabas namen ay inaway ko pa ang aking kaklase at sabi ko eh bakit nagsumbong kay mam inasar ko ito ng bakla at sumbongero kaya umiyak at napatawag na nga ang aking magulang at madami pang kakulitan at kung anu-ano pa ang nangyari hanggang dumating na ang bakasyon at kinuha na ulit ako ng lola ko at nagkita nanaman kami ng kalaro ko na kapit bahay lamang ni lola at noon ay nabungi ang ngipin ng kalaro ko at ang itinawag ko na sa kanya ay bungal lagi siyang umiiyak pag iyon ang asar ko sa kanya at dumating nanaman ang pasukan at papasok nanaman ako at grade two na ako noon  at hindi parin nagbabago ang kakulitan ko isang araw ay nakatapat ako ng batang makulit din at palabang ngunit umiyak din ito sa akin dahil lang sa pagagaw ko sa pagkain nito pero hindi niya ibinigay kaya itinapon ko nalang sa harapan niya at sinakal niya ako siya kaya yon iyak na iyak ang bata at noong grade two nga ako ay bumagyo at bumaha kaya nabasa at naanod lahat ng picture ko noong ako ay bata pa walang natira at kada dadating ang bakasyon ay kinukuha ako ni lola at noong grade tree ako ay pumunta si tita sa bahay namin kapatid ng Papa ko ito ay nakatira d2 sa san pablo city laguna habang noon ay sa candilaria pa kami nakatira at ibinulong ko kay tita na ayaw ko ng pumasok at si nabi naman ni tita sa aking Ina at dahil sa bata pa naman ako ng ako ay pumasok pinatigil ako ng isang taon at sa hindi inaasahan ay may nakasamaan ng loob ang aking ama na naging dahilan ng paglipat namen dito sa sanpablo laguna sa tita ko at lola at lolo sa partido ng aking ama dito ay madami kaming pinsan at bakasyon noon at nalalaro kami umaga noon at nakita ko na pinaiyak ng pinsan kong lalaki ang bunso kong kapatid ko at sinuntok ko ang pinsan ko dumugoang ilong ng pinsan ko kaya napagpalo ako ni lola at isang araw ay ate ko naman ang nakita kong umiiyak dahil naman inagawan ng pinsan konng babae ng laruan matanda sa akin ang pinsan ko upang makaganti ako sa pinsan ko ay niyaya kong maglaro sa likod ng bahay ni lola kung saan doon ay may balon at pagdating namen sa balon ay itinulak ko ito at dinilaan at nahulog sa balon ang aking pinsan at iyak na iyak umaga pa lamang ng itinulak ko ang pinsan ko ngunit hapon na ito nakita at pukto ang mata kaiiyak simula noon ay nadala na ang mga pinsan ko na makipaglaro sa akin at dumating nanaman ang pasukan grade tree ulit ako noon makulit parin at pasaway ako kaya naman lagi akong napapalo ng ate ko noon ay my mataray akong teacher at dalaga pa piningot ang taynga ko kaya sa sobrang inis ko sa kanya ng nakita ko na naglalakad ay tumakbo ako at itinaas ko ang palda nito galit na galit at nagpunta pa sa bahay namen ganon ng ganon lang ang ugali ko hanggang mag grade five ako doon ay naging malungkot ako dahil grade five ako ng namatay ang lola ko na nagpalaki sa akin noon ay iyak na iyak ako at umuwi kami ng candilaria upang makiramay sa lola ko mula dito hanggang doon ako ay umiiyak noon ay unang beses akong umiyak at hindiako ang nagpapaiyak at pagkatapus ilibing si lola ay bumalik na kami dito at ng grade six na ako ay nagsimula na akong magkaroon ng chrush ang first loove ko ay si trina maganda sya na noon ay muse namen at habang ako naman ang scort namen at ng malapit na ang graduation ay sinabi niya sa akin  na gusto din niya ako pero pagkagraduate namen ay hindi na kami nagkita sab dahilan na lumipat na sila ng manila at ng first year na ako ay nagpaloko loko ako sa pag-aaral kaya pinatigil ako ng tatlong taon sa tatlong taon na iyon ay kinuha ako ni lolo ko sa manila upang magbakasyon sa kanila lagi akong isinasama ni lolo sa pagtugtog niya ng piano sa mga party mga mayayaman ang tinutugtugon nilolo kaya naman laging pormalang suot kong damit at sarap buhay ako doon dahil araw araw ay 500 pesos ang binibigay sakin ni lolo dahil mapera naman si lolo kain tulog gala lang ako doon pinapapasok ako pero ayaw ko at dumating ang araw na kinuha na ako ng mga magulang ko upang papasukin sumama naman ako at pag  pasok ko ulit ng first year sa dizon high ay doon ako nagka love life unang nakarelasyon ko ay si Nenet ngunit hindi nagtagal at madami pang dumating sa buhay ko hanggang dumating ako sa 4th year at dito ay apat na babae ang dumating sa buhay ko una ay si Jhenine na kakagraduate lang noong 2009 sa dizon na ngayon ay sa DLSP napasok sunod naman ay si Gina ngunit niloko ko lng sya dahil napalayo sya lumipat ng lipa kaya ng hanap ako ng iba sunod ay si rachelle hindi kam nagtagal at ang huli na kami parin hanggang ngayon na sineryoso ko sa buhay ko ay si Elaine 4th year din sya ngayon sa dizon din at ngayon ay gagraduate na kami eto ang aking talambuhay at ngaun ay magpapatulog hanggang sa ako ay mamatay THE END salamat sa mga nagbasa!!!!!

Wednesday, February 23, 2011

Ang Talambuhay ni Haidy Malibiran Larga


Noong bata pa ako
Ika- 19 ng Nobyembre, 1994 sa aming bahay ako ipinanganak ng madaling araw.Ang unang araw na nasilayan ko ang mundo. Iyon rin ang araw na nakita ko ang aking mga magulang at kapatid, pero hindi ko tanda ang mga mukha nila.Syempre sanggol pa nga di ba? Pangatlo sa ako sa aming magkakapatid at ako ang bunso. Noong araw ding iyon ipinangalan nila sa akin ay Haidy M. Larga. Sa mga nagdaang araw, naramdaman ko ang pagkalinga ni inay at pagmamahal. Halos wala pa akong muwang noon. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umyak, matulog at dumaing na pahingi ng gatas kay ina...

Halos mag-iisang taong gulang ako bininyagan sa San Pablo Cathedral ng aking mga magulang, kasabay ko pa noon ang aking pinsan na si keancarlo. Marami pa nga nag ninong at ninang sa aking binyag eh!! Sabi pa nga sa akin ng nanay ko nun ay parang birthday daw namin ng pinsan ko noong araw na yon. Madaming pagkain, mga bisita halos lahat ng tao sa amin noon ay masaya para sa amin.

Naalala ko yun kinuwento sa akin ni nanay noong una daw akong gumapang, isang taong gulang na ako noon, pero mukhang hindi naman daw ako gumagapang noon kasi sa halip na ganoon ang mangyari ay paalipod lang daw ang ginawa ko. Inilahad din sa akin ni nanay ang pagiging sobrang kulit ko  at napakadaldal e bulol naman daw ako nung mga panahong iyon.tatlo kaming magkakapatid, pare-parehas na bata pa at malaya, kaya naman si nanay ay sobra ang pagpapasensya sa aming kakulitan. Sa pagdaan ng panahon, nakikilala ko na ang mga taong nasa paligid ko, si tatay na nagdadala lagi sa akin ng pasalubong, si nanay na laging nag-aalaga sa akin, si kuya na saksakan ng sutil sa akin madalas ko nga yun kaaway tapos ang hilig pa akong paiyakin at syempre mawawala ba naman si ate na laging nagbabantay sa akin at kalaro ko rin sa araw-araw..

Kinder ako
Natatandaan ko rin noong limang taon gulang ako, unang tuntong ko s paaralan sa Sta. Filomena Daycare Center. Bagong mga kaklase at mga kalaro ang nakilala ko. Halos pagkaawas sa paaralan ay diretso na ako sa paglalaro, tangahaling tapat ay babad ako sa initan, kaya pag-uwi sa bahay nakakagalitan ako ni nanay dahil basang-basa ako sa pawis at madumi ang damit ko. Pero dahil bata ako hind gaano naiisip mga sinasabi nya, halos paglalaro lamang ang nasa isip ko. Pagkatapos kumain sabay tutulog na ako, at pag  gising ay hanap ko na kaagad ang mga pinsan ko na sina Janelle, Kim, Kean Carlo at syempre mawawala ba naman si ate na laging sinasabi noong bata pa kami ay " Tara laro tayo ng bahay-bahayan!!". Tanda ko pa nga nung minsan ay naglalaro kami ay inaasar ako ni Kean Carlo kaya napaltok ko siya ng basag na paso, iyak na iyak nga siya noon at hindi ko inaasahan na magkakaroon siya ng lipong sa ulo. Hay kaya pag minsan naalala ko yung mga panahong iyon,natatawa nalang ako at  nasasabi ko sa sarili ko ang sarap bumalik sa pagkabata.
Ako noong J.S

Isa na naman panibagong hamon ang dumating sa buhay ko. Ang pag  tuntong ko sa elementarya. Pumasok ako ng elementarya sa Sta. Filomena, Elemtary. School. Ganun pa rin naman, panibagong mga makikilala ulit. Doon rin ako nagkaroon ng mga matatalik na kaibigan. Doon ko rin naranasan sumali sa mga activities sa school kasama mga kaklase ko. Hanggang sa nalagpasan ko ang mga pagsubok at nakaabot ako ng Grade 6. Naalala ko nung mga panahong iyon na pinaiiyak ako minsan ng mga kaklase kong lalaki, na minsan nakikipag-away ako sa mga kapwa kong kaklaseng babae,parinigan pa nga kami noon e! tapos pag nagkapikunan ay hindi na nagpapansinan. Ngayon na naalala ko yung mga bagay na iyon ay masasabi ko na napakababaw ko pa noon, halos matawa nalang ako sa mga pinag gagawa ko. Minsan talaga sa buhay kailangan mo rin maging mapag pasensya at mas pag tuunan ng pansin ang mga mahahalagang bagay. Naging isang malaking aral para sa akin iyon.

Kailangan ko magtiis at mag-aral ng mabuti.Naisip ko rin kung gaano kahalaga ang pag-aaral. Hanggang sa dumating ang pinakahihintay naming lahat na magkakaklase, ang aming graduation. Masaya kasi kahit papaano ay natapos ko rin sa wakas ang elementarya at masasabi ko na may karangalan din akong maipapakita sa aking mga magulang, syempre may halong lungkot kasi magkakahiwa-hiwalay na kaming lahat. Sa loob ng anim na taong pagsasama sa iisang paaralan, pero bahagi iyon ng kwento ng aking buhay..

Dumating ang bakasyon, halos wala na akong ginawa kundi magpahinga at maghanda para sa darating na pasukan para sa sekondaraya. My halong kaba at saya ang nadarama ko, panibagong yugto ulit ng aking buhay. Pero  sa pagdaan ng araw ay parang naging mahirap para sa akin ang lahat. Iyon na siguro ang unang beses na malalayo ako sa aking mga magulang. Kailangan ko makipagsapalaran sa Maynila upang doon ko ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Salamat na rin sa mahal kong tiyuhin dahil tinulungan niya akong makapag-aral. Sa Marikina ako tumuloy, sa bahay ng tiyo at tiya ko kasama ang kanilang mga anak. Dahil sa pagtanggap nila sa akin, doon ko natutunan ang pagkakaroon ng utang -na-loob at pagpapahalaga sa nagawa nila. Doon ko rin nalaman kung gaano kahalaga ng pamilya, minsan pag kailangan ko sila ay wala sila. Mahirap rin para sa akin ang sitwasyon ko doon. Hindi rin maiwasan ang hindi mapagalitan kaya pag ako ay nag-iisa, dinadaan ko nalang sa iyak ang lahat. Nagiging masaya rin naman ako pag nasa paaralan, pumasok ako ng first year at second year highschool sa Silangan National Highschool  sa San Mateo Rizal. nagkaroon ulit ako ng mga bagong kaibigan, kwento rito, tawanan diyan, halos walang araw na hindi ako tatawa, doon rin ako nagkaroon ng 1st boyfriend, syempre hindi naman mawawala yun sa buhay ng kabataan. Natutunan ko rin masaktan at magkaroon ng panibagong pag-asa. Halos dalawang taon akong namalagi sa mga tiyuhin ko, pero hindi nagtagal umuwi na rin ako.

Kaming Magbabarkada
 Napakasaya ko nang muli akong nakauwi sa amin, muli ko ulit nasilayan ang mga kamag-anak ko. At naging masaya ang pasko ko sa amin. Nang magpapasukan ulit, naging balakid sa akin na mukhang hindi pa ako makakapasok,naisip ko napalaking bagay ng pag-aaral kung hindi ako makakapagpatuloy ulit, pero salamat sa Diyos at nabigyan ako ng pagkakataon na muling maipagpatuloy ang aking pag-aaral sa third year at fourth year. Doon na nagsimula ulit ang yugto ko sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool.naging masaya ang mga pagkakataong pumasok ako sa paaralang iyon, masasabi ko na rin na dun ko na nakilala ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, siya si Gremart, mawawala ba naman sina Crixlan, Mary Grace, Jhea -anne, Lei ann, at syempre ang buong 4-H.. Napalaking bagay talaga nila na dumating sila sa aking buhay, hindi siguro masaya ang aking Highschool life kung wala ang mga kalokohan ng bawat myembro ng barkada. Salamat na rin sa kanila at doon ko rin nalaman ang kahalagan nila sa buhay ko.....
Kaming Dalawa ng BestFriend ko

Masyado na akong maraming naibahagi... sana sa susunod na yugto ulit ng buhay ko mas lalong maging masaya, yun lang!!! SALAMAT! :D

Tuesday, February 22, 2011

Ang Talambuhay Ni Justine Reyes


Ang Talambuhay ni Crislan P.Marcellana


Noong ako ay 15 years old
  Ako po ay si Crislan  P. Marcellana  na maglalahad ng aking talambuhay.Mula noong akoy pinagbubuntis pa lamang ng aking ina.At ngayon ipapakilala ko po muna ang aking mga magulang.Sila po ay crisensio P. Marcellana at si honey P. Marcellana.S sina angayon po ay nakatira po ako sa Barangay San Gregorio San Pablo City.At ito na po ang passisimula ng aking talambuhay.

           Noong akoy nasa sinapupunan pa lamang ng aking ina.Ang hilig pa daw nyang kainin noon ay mangga.Gustong gusto daw nya itong miryenda sa hapon at ipang ulam sa hapon.Nag aalala na si papa baka daw kasi makasama kay mama ang sobrang pagkain nito.Pagka umaga  nagising si papa nakita nya na wala si mama sa tabi nya.Makailang minuto ay nakita nya sa labas na si mama ay nabili ng almusal at may dala na naman itong mangga.Hindi nalang ito pinansin ni papa.Makailang araw ay nanakit ang tiyan ni mama.Siguro ay ito na ang araw ng kanyang kabuwanan.Ngunit sabi ng taga obserba sa kanya ay ito daw ay ang  sobrang pagkain ng mangga.Gumaan ang loob ni papa dahil akala nya ito na ang pag anak ni mama.Siyam na buwan na ang tiyan ni mama at kabuwanan na nya ito.Mga alastres ng madaling araw ay nanganak na ang aking ina.Nagsilang sya ng babae at ang agad na naisip nilang ipangalan saakin ay crislan.Dahil ang gusto nila ay mapagsama ang kanilang pangalan at naisip din nilang  bigyan ako ng palayaw at ito ay lan lan.At ang araw ng aking   pagsilang ay Enero 29, 1994.Doon nagsimula ang aking pagsinag sa mundong ito.

Noong ako ay bininyagan
         Lumipas ang ilang buwan ay pinabinyagan na nila ako sa malaking simbahan.halos pila daw noon ang  batang binyagan.Dito nagsimula ang unang bindisyon ng panginoon saakin.At sa mahabang misa ay natapos ito ng mahigit limang  oras .Si papa at mama ay hapong hapo noon  dahil sa sobrang init ng panahon.At  pagkatapos ng binyagan ay   agad na nagkuhanan ng litrato at masasayang mukha ang makikita dito.At pag dating naman ng tanghalian ay sabay sabay na kaming kumain.


               At nang akoy anim na taong gulang na nagsimula na akong mag aral sa St.Francis Day Care Center.Doon ako nag aral ng day care.Doon ako natuto mag sulat  at magbasa at uti uting mamulat ang akingisipan.Gumawa kmi ng mga proyekto at takdang aralin. Doon nakita ko na matataas ang aking marka at natutuwa ang magulang ko sa tuwing makikita ang aking marka.Dumating ang pitong buwan ay ito na raw ang unang pagtatapos ko at ako daw ay makakatung tong na sa paunang pang elementarya.Dahil sa pagsusumikap ko ay dumating na ang araw na aming pagdalo sa pagtatapos ng kinder.Nang akoy tumuntong nasa paunang  grado nang elementarya.Dito na ko laging hatid sundo ni papa.Hinahatid nya ko pagpasok at pinapakain nya naman ako pag dating ng tanghali.Madalas ding dinadalhan ako  ni mama ng miryenda sa hapon.At dito nagkaroon narin ako ng maraming kaibigan.Dito ko na  nakilala si gissele sya ay ang matalik kong kaibigan noong akoy bata pa.Sabay kami laging nakain at  naglalaro minsan sa likod ng bahay nila.Lagi kaming masaya pag magkasama kami.Lagi kaming nag aaral sa kanila at nakain ng masasara p na miryenda,inumin,tinapay,at iba pa.Pag dating ng hapon ay kinaon na ako ni papa at papauwi na kami noon.


Nang kasama ko ang aking kapatid
Noong ako ay 2months palang
                 Noong pitong taon na ako.Nagkaroon ng okasyon.Ito ay kaarawan ko nakita ko na madaming lobo at pagkain ang nakahain dito.Madaming bisita ang nag sipagdalo.Masarap ang ang inihain ni mama at maraming bata ang nasiyahan dito.Pagsapit ng miryenda ay inilabas na ang cake na binili ni mama para sa akin.Bago kumain ay nagdasal muna kami ng sabay sabay. 




                  Umabot ako nang edad na walo ay namatay ang aking ama sa trahedya na sya ay nasaksak.Di namin inaasahan na mangyayari ang ganitong trahedya.Halos di namin maintindihan ang gagawin namin.Sinubukan namin na dalhin si papa sa hospital ngunit wala nang magagawa ang doktor dahil patay na si papa nang makaabot.Di na nya siguro kinaya ang troma dahil sa sobrang dami ng kanyang saksak.Naghihinapis kami ng araw na iyon at di namin mapigilan na humagulgol.Di man namin gusto pero wala na kami magagawa dahil nangyari na.

Mga barkada ko
                   Nakaburol si papa sa bahay ni lola dahil doon ang gusto nya pag sya daw ay nawala hindi pa namin tanggap noon na wala na   sya.Lahat kami ay hin di makakain ng ayos noon.Makailang araw ay dumating narin yong  ilang kamag anak namin.Mga pinsan ko,mga  tiyuhin ko,mga kaibigan ni papa.Ilang araw din akong liban sa klase noon,mga isang buwan pa noon bago ako makapasok.Madaming nagulat sa nangyari at di sila makapaniwala noon.Sabi ng iba kailangan na naming tanggapin ang nangyari.Lumipas ang isang taon na  wala na si papa,naalala ko parin ang mga araw na nandito sya tuwing kaarawan ko.At laging pinapasaya ako pag sa araw na nalulungkot ako.At lagi ko nang  binabalik ang araw na nandito sya,nagiging masaya ako pag naaalala ko.sumasapit ang gabi nanaiiyak ako at nangangamba na babalik pa ang aking ama.

                 At ng akoy nasa unang sekondarya pa lamang ay nag iba ang pananaw ko sa buhay.Dito ko natutunan na maging matatag at matang sa lahat ng oras dahil alam ko na wala nang magtatanggol sa buhay  ko tulad ng aking nakasanayan ng nandiyan pa si papa.Naisip ko na bawat araw na dumadating ay nararapat ko ng patibayin ang loob ko.Dito   ko rin naramdaman ang pag ibig sa unang minamahal ko na si chad.Siya ang unang lalaki na nagustuhan ko nung akoy nasa ikalawang sekondarya na.Lagi kaming nagkikita  sa amin sa pag  uwi.Naalala ko pa nga noon na binigyan ko siya ng sulat noong unang buwan na namin.Ang saya saya ko noon at  buo lagi ang araw ko.Ngunit nang umabot na kami sa tatlong buwan ay nakipaghiwalay na siya sa akin.At ang ginawa niya lang na dahilan ay kailangan daw nya munang mag aral nang mabuti at agad ko naman na ininntindi sya.Pagdating naman ng gabi ay umiyak ako.Nang tumuntong ako sa ikatlong sekondarya ay doon lalo nag linaw ang aking isipan nagkaroon ako ng suliranin sa buhay na kailangan ko munang huminto ng ilang araw dahil sa kakulangan namin sa pera. Natuto  akong maghanapbuhay at kumita ng pera para sa aking pag aaral.Doon ko nalang naramdamman ang hirap sa buhay nang mawalan ng mahal sa buhay na ang tatay ko ang laging andiyan  para sa akin.At handa na ako sa kahit anong karanasan na dadating sa akin lalo na ngayo na ako ay malaoit na sa pagtatapos sa ikatlong sekondarya.Sabi sa akin ni mama ng kiniumagahan ay matuto na daw akong maglaba dahil baka hindi na daw naya kayanin ang sobrang pagtatrabaho at don ko sinubok ang aking sarili.

Noong j.s namin
                 Pag uwi sa hapon ay nakakita ako na isang matandanng babae na nanghihingi nang pera ngunit hindi ko ito binigyan.Sa pagkat alam ko na kaya pa nitong magtrabaho.At nang pag uwi sa hapon at akoy nag aaral na dahil kinabukasan ay may  pagsusulit kaming gn.At pag dating sa gabi ay nakain na kmi,sa pagtulog naman ay nagdadasal
unu ako.

Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay Ni Arianne Bathan Villanueva.

               


LATEST PICTUIRE
                    Isinilang noong Marso 20,1995 10:35 ng tanghali sa Brgy.Soledad San Pablo City ang isang batang "HAPPY GO LUCKY" ..ako ay si Arianne Bathan Villanueva.Bunga ng mabuti at mabungang pagsasamahan ng mag-asawang Bonifacio Salcedo Villanueva at Alma Bathan Villanueva.Kami ay apat na mgkakapatid.Ako ang panganay,sumunod sa akin ay si Jhimson Bathan Villanueva.Siya ay labing apat na taong gulang na.Siya ay nasa ikalawang antas na sa mataas na paaralan din ng Col.Lauro Dizon Memorial National High School.Ang pangatlo ko namang kapatid ay si Angelica Bathan Villanueva.Siya ay nasa ikaanim na baitang sa mababang paaralan ng Brgy.Soledad San Pablo City.Siya ay labin dalawang taong gulang.Isa siyang matalinong bata.Sa katunayan,nakamit niya ang pangatlong pwesto sa kanilang paaralan.Ang bunso ko namang kapatid ay si Aira Bathan Villanueva,siya naman ay nasa ikaapat na baitang sa mababang paaraln din ng Brgy.Soledad.Siya ay siyam na taong gulang pa lamang.  


              Ayon sa aking mga kamag-anak,noong ako ayisang taong gulang pa lamang,paborito daw akong paglaruan ng mga pinsan at ng lolo ko.Inilalagay daw nila ako sa mesa at saka pinapaikot.Tuwang tuwa daw ako kapag ginagawa nila yun.


               Bininyagan ako noong May,26,1995 sa simbahan ng St.Fransis Of Asisi.Tumayong ninong ko si Edgardo Salcedo at ninang si Gilda Capuno.

KINDER AKO!
        Noong ako ay apat na taong gulangna nagsimula na akong pumasok sa kinder.Natatandaan ko pa noon palagi akong inihahating ng aking ina .Palagi pa akong umiiyak noonkapag iniiwan niya ako.Iyakin ako noong bata p lamang ako.Palagi kasing kinukuha ng kaklase ko ang mga color ko.Napapagalitan tuloy ako ng teacher namen na si Mrs.Alota.Noong ako naman ay limang taong gulang na,nag kinder ulit ako dahil hindi ako tinanggap sa grade 1 dahil masyado pa daw akong bata.Noong pangalawa kong kinder,hindi na ako ihinahatid ng nanay ko dahilsa mga kapatid ko dahil walang mgaalaga sa kanila.Natuto na ako kahit na wala na sa tabi ko ang nanay ko tuwing papasok ako sa eskwelahan.Hindi na naging mahirap para sa akin yon.Tuwing uwian,isinasabay na lamang ako ng aking teacherna si Mrs.Alota at saka ibinababa ako sa tindahan ng aking tiya na si tiya Nancy.Kilala siya ng tiya ko dahilnoong mga panahonmg iyon,ang aking tiyo na si Eleodoro ang chairman ng aming barangay.Nagtapos ako ng kindergarten sa Liceo De San Pablonoong Marso 18 2001.Nagkaroon akong award noong kinder ako.Tuwang tuwa ako noong mag apanhaon na yon dahil first time ko na magkaroon ng award.

Nutrition month sa school

          Noong kindergarten ako mahilig akong sumayaw.Ang larawan sa itaas ay noong kinder ako.Nutririon month sa school namin noon.Si Mrs.Alota ang nagturo sa amin ng sayaw noon.Sa unahan niya ako inilagay dahil magaling daw ako sumayaw.:)

         Noong ako ay nasa mababang paaralan na ng Soledad,madalas akong umabsent dahil natatakot ako sa teacher namen na si Mrs.Celia Manzanero.Si Mam Manzanero ang pinaka kinakatakutan ko na teacher noong elementary dahil kilala siyang mataray at istriktang guro.Natatandaan ko pa noonnung pinalo niya ako sa kamay dahl wala akong assignment at noong pina-iskwat niya ako dahil masyado daw akong madaldal.Noong nasa ikalawang baitang naman ako,si Mrs.Leilani Mkatangay ang aking naging guro.Likas siyang mabait at matalino na guro.Noon hindi na niya ako masyadong napapagalitan dahil hindi na ako dumadaldal.Nakikipaghabulan ako sa loob ng aming classroom dahil palagi akong inaasar ng kakalase ko na si Isaac.Palagi niya kasi akong inaasar na nuno.Dahil masyado daw akong maliit para sa edad ko.Palagi nga kami napapagalitan ng prindipal namen eh.Magulo daw kasi kami.Nakakaistorbo daw kami sa mga nagkaklase.Noong grade 4 naman ako,si Mrs.Crusina naman ang aking guro.Siya ay principal na ngayon sa Del Remedio Central School.Si mam ressie ay mabait na guro kaya gusto siya ng lahat.Noong grade 5 ako,si Mrs.Del Rosario naman ang aking guro.mabait din siya tulad ni mam ressie kahit minsan istrikta.Isa rin siya sa mga pinaka paborito kong guronoong elementary ako.Nang makatungtong ako sa ikaanim na baitang,nagkaroon ako ng maraming karanasan.Un kong naging guro si Mrs.Garcia na ngayon ay principal na rin sa San Francisco Elementary School.Pinalitan siya ni Mrs.Elena Brion.Si Mrs.Brion ay isa ring mabuting guro.Noong grade 6 ako,marami akong natutunan,maging responsable at seryoso sa lahat ng gawain.Noon madalas kaming magkaaway ng mga kaibigan ko.Pero at the end of da day naaayos naman namin lahat.Naging masaya ang buhay elementarya namin noon.

                 Mahilig akong sumali sa mga Girl Scout Activities noong bata ako.tulad ng mga day camp,treeplanting at 3 days camp na inilulunsad ng GSP Council.Marami akong natutunan doon tulad ng kung paano magsurvive sa gubat kahit na wlang kagamitan.Nadevelop din ang aming mga special skills at self confidence.Natuto kaming makipagsalamuha at makisama sa mga taong bago pa lamang namin nakilala.

             Nang magtapos ako ng elementaryanaging malungkot naman kami.Nagkahiwahiwaly na kami magkakabarkada.Kasi 6 years kaming magkakasama.Nang tumuntong ako ng unang ntas sa sekondarya sa Liceo De San pablo taong 2007-2008 tahimik lamang ako dahil wala pa ako masyado kakilala.Wala p[a akong kaibigan noon pero hindi nagtagal nakilalako na rin ang aking mga kaklase.Una kong nakilala sina Jessica Mariano at Jomilyn Alcantara.Naging matalik ko silang kaibigan.Minsan nagkakaaway din at hindi nagkakasundo pero alm naman namin na parte un ng aming pagkakaibigan kaya inaayos namin ito agad.Noong first year ako may mga nakakaaway din ako sabi nga nila maldita daw ako.


         Noong bata pa lamang ako mahilig akong maglaro ng bahay bahayn,taguan,at kung minsan pa ay luksong baka.Tulad ng ibang batang babae naglalaro din ako ngchinese garter,jumping rope,at barbie doll.Mas nakahiligab ko lamang ang mga larong panlalaki dahil mas madalas kong kalaro ang mga pinsan ko na lalaki.

            Nang maging second year naman ako lumipat ako sa Col.Luro Dizon Memorial national High School dahil sa financial problem.Noon 2-k ako.Naging masaya naman ang buhay ko noon dahil kahit na transferee lamang ako nagkaron na kagad ako ng maraming kaibigan.Sina Rachelle amo,precious aviquivil,honey glo abril at jocelyn guevarra.Palagi kami noon gumagala.Noong second year akonagmahl din ako.Naging boyfriend ko noon si michael viboy hernandez.Torpe si viboy siguro kasi bata pa kami noon.Hindi kami nagtagal ni viboy,2months lang ang itinagal ng relasyon namin ni viboy.Naghiwalay kagad kami dahil sa mga bagay na hindi namin napapagkasunduan.

               Natatandaan ko din noong2nd year ako inoperahan ako noon sa appendix sa Calamba.Doon ako dinala dahil doon nagtatrabaho ang aking ina,isa siyang registered nurse doon.Nakaconfine ako doon sa loob ng isang linggo.hindi ako nakapasok ng 2 weeks noon.Noong March 09 2010.Pumasok na ako dahil malapit na ang exam namen ng NAT noon.


             Noon namang nag third year ako,naging 3-I naman ako.Kaklase ko noon sina Rachelle Amo,Ellaine Espinosa,Mary Grace Belen,Marivel Belen,Jherilyn Baral at Vanessa Baguna.Naging mabuti kaming magkakaibigan.Palagi din kami noon gumagala.Sama sama kami sa lahat at nagtutulong tulong din sa lahat ng gawain.


            Mahilig akong sumali sa mgaGirl Scout activities noon.Tulad ng mga day camp,tree planting,at 3 days camp na inilulunsad ng GSP Council.Marami akong nayuyunan noon tulad ng kung pano magsurvive sa gubat kahit na walang kagamitan.Nadevelop din ang aming mga special skills at self confidence nan bawat isa.Natuto kaming makipagsamiha at makisama sa mga taong bago pa lamang namin nakilala at marami pang iba.

reunion namin sa elbi ! haha . ankukulit ! :)
    
         Noong January 1 2011 ,nagkaroon kami ng reunion sa Los Banos Laguna.Naging masaya kami noon.Buong Bathan Family ay nandoon.Kahit na kakamatay pa lamang noon ng aking tito na si tito Robert Salazar.Ayaw ni kua Robert ng malungkot kaya kahit na kakamatay pa lamang niya nagcelebrate pa rin kami.






reunion namin sa laiya . sobrang saya ! :)



       Isa rin sa pinaka hindi ko makakalimutang karanasan ay noong nagkaroon kami ng reunion ng mga kaklase ko noong May,23,2010.Nagswiming kami sa Laiya Beach Resort.Kasama naming noon ang mga sk councilor.Nagpicturan kami sa tabi ng dagat,kumain ng sabay sabay at natulog ng magkakatabi,
            Noong umabot na ako sa huling antas ng sekondarya,naging maayos din ang aking pagiging 4th year.Marami rin akong karanasan ngayong 4th year ako.Maraming masasayang events ang nangyari tulad ng JS Prom.Masaya kami noong Js Prom pero para sa akin noong JS namin noong isang taon ang mas masaya dahil sa mga kaklase ko noon.The best sila para sa akin.Pero hindi ko pa prin ipagpapalit ang mga kabarkada ko ngayon dahil masaya din silang kasama.